Monthly Archives: May 2010

Ang Isang Araw Mo’ng Boto

Ang isang araw mo’ng boto ay malayo ang mararating…

Kung nakapamili ka na, sana ay mapag-isipan ulit. Baka naman sa iilang katangian ka lamang nakatuon — magaling at matalino; para sa mahirap; masipag at matiyaga; hindi magnanakaw at kung anu-ano pa.

Kung ‘di naman kalabisan na piliin ang higit na may napatunayan na, ‘yun sana ang mapili natin. Totoo na walang perpekto sa mga iyan. Napakadali na makapagbitiw ng kapintasan, ika nga. Ngunit, sa lawak ng problema ng ating bansa, hindi rin naman marapat na isugal natin ang ating kinabukasan sa mga kandidato na maging ikaw man ay ‘di tiyak na makapag-bibigay ng isang tunay na pagbabago.

Tayo ang pagbabago..walang duda. Walang higit na makakatulong sa ating sarili kung hindi tayo rin ‘di ba. Ngunit, ang ihahalal natin sa pamunuan ng ating bayan (kasama na rito ang mga lokal na pamahalaan) ay may malaking maiaambag sa kaayusan at kaunlaran ng Pilipinas.

Sino man ang iyong iboboto, higit sana na mapag-isipan pa at maging bukas tayo sa kakayanan na kayang-kaya ibahagi ng ibang kandidato. Timbangin sana natin at gamitin ang mga natitirang oras bago maghalalan na mapag-aralan ang plataporma ng iba. At habang ginagawa natin ito, maging bukas sana ang puso at isipan upang mangibabaw ang pagmamahal natin sa bayan.

Ang isang araw natin na boto ay malayo ang mararating higit pa sa iniisip at inaakala natin ngayon. Hindi lamang po anim na taon ng hirap o ginhawa, o anim na taon na puro hirap, o anim na taon na puro ginhawa… sa katunayan, sa isang araw na ating ilalaan para sa halalan ay makapaglilinaw ng kalagayan ng ating bayan sa higit na malayong hinaharap.

Sa isang araw nating boto, may kapangyarihan tayo na maipinta ang larawan ng isang tunay na pagbabago — sa buhay natin, sa ating pamilya o magiging sariling pamilya, pamayanan, at buong bayan.

Kagaya mo, gusto ko rin ng pagbabago.. sisimulan ko sa sarili ko at kaisa n’yo ako. Iba’t-iba man ang ating paniniwala, matapos ang halalang ito, Pilipino pa rin tayo… Pilipinong dapat handa tungo sa isang bagong umaga.. tungo sa bagong pag-unlad.. at handa sa hamon ng isang bagong bayan.


Mrs. Teodoro Applauded Sen. Gordon

Of all other candidates’ supporters, I did hoped for better respect from Sec.Gibo’s camp considering how Sen. Gordon had defended him against Ted Failon when only Gibo had a different approach as to what they (the Presidentiables) will do to GMA once elected.
I even recall how Mrs. Teodoro and all Gibo Supporters in that debate were caught on camera and how they applauded Senator Gordon for such a gentleman act.
REQUEST: Can somebody here post that video para naman malaman ng mga Gibo supporters? … that, I rest my case.


Political Mudslinging — Ano Yun?

“Political mudslinging, ano yun?”

Bukambibig na naman ito at kasama sa kaliwa’t-kanang usapan — sa kanto, sa sari-sari store, sa mga sakayan ng jeep o TODA (Tricycle Operators and Drivers Association) ng mga barangay, sa bakery, sa mga nagbebenta ng dyaryo, coffee at computer shops, bahay, at kung saan-saan. 

Truth is, this isn’t really new (unfortunately). Sa kasaysayan ng politika sa ating bansa, o maging sa nakaraang huling dekada lang ay naging saksi tayo sa malawakang away-politika. Umaabot pa madalas sa punto na maging ang mga miyembro na ng kani-kanilang pamilya ay nadadamay.

Sa haba ng palitan ng maaanghang na salita, palitan ng akusasyon at paratang, kalimitan naman ay nauuwi rin lamang sa pagbabati, pakikipag-kamay, o minsan naman ay kusa na lang nalilibing sa limot ang isyu politikal.

Mudsling.. ano ka ba talaga??

Sa aking pagka-unawa, ang “mudslinging” ay isang paraan ng malisyosong paraan ng pambabatikos na ang pangunahing layunin ay ang kasiraang-puri ng iba. A malicious charges that attempts to discredit an oponent (specially in our political arena). Fabricated stories, hearsays, without due basis!

Hindi kailangan ng higit na karagdagang talino upang maunawaan ng bawat isang mamamayang Pilipino ang malaking pagkakaiba ng “political mudslinging” at ang “pagsasabi lamang ng totoo”.


The Art of Listening

It’s not right (in all sense) to marginalize people. Choosing one candidate from the other doesn’t make us any better than the rest. That we can claim that “bobo sila“, “masa kasi“, “elitista mga ‘yan“, at kung anu-ano pang excuse.  Pity that we all agree that we are againsts racism, yet, within our own country we kept “branding” ourselves and our kababayans.

Regardless who we choose, I supposed that we can all agree that all of us does have a need to be heard. Unfortunately, dahil uhaw na uhaw na ang bawat isa sa atin na marinig..sabay-sabay na tayong nagsasalita — bawat isa’y may puntong ipinaglalaban.. lahat gusto s’ya rin ay pakinggan. Hanggang sa darating sa punto na magsisigawan na tayong lahat. Ngayon… paano na tayo? Ngayon, paano na ang bayan natin? Kung ganito lang nang ganito, saan na kaya tayo pupulutin?

Ilan lamang ito sa napakaraming katanungan na naiisip ko. At ngayong kainitan na ng eleksyon, may kanya-kanya tayong pambato na kandidato. Alin man ang iyong estado sa ngayon — supporter, volunteer, fanatic, o wala man sa alinmang nabanggit — maibalik sana natin ang kakayahang makinig at buksan ang puso at isipan para umintindi.

Kung ibang lenggwahe nga napag-aaralan at naiintindihan natin.. ano pa kaya ang salita na mula sa kapwa natin Pilipino.

Let us respond and not simply react. There’s a huge difference between the two. Try natin to focus more on the over-all content of the message rather than simply dwell as to how it was said. Marapat lamang na alalahanin natin na sa paghupa ng eleksyon (manalo man o matalo ang kandidato mo), ‘di naman magbabago ang lahi natin… ‘di rin, lalo na, na agaran na mababago ang estado ng buhay natin. Ergo, Pilipino pa rin naman tayo na mamumuhay sa paraang meron tayo sa kasalukuyan.

Sa kabilang banda, ang mga kandidato (na ipinaglalaban natin) ay hindi ang agarang solusyon sa napakalawak na nating problema.. hindi rin ang s’yang simula ng kaunlaran. Tayo ang pagbabago. Ang tunay na pagbabago ay nagmumula sa sarili — disiplina, integridad, pakikipagkapwa-tao, pamumuno sa sariling buhay. At sa aking pananaw, malaki ang maitutulong ng tamang balitaktakan at kakayahang umunawa at makinig upang makamit natin ang matagal nang inaasam na kaunlaran. Imagine if all of us Filipinos would all think, speak, act, have the attitude, build character, and finally, make it a habit to live each day as a modern day hero..

Mataas ang respeto ko sa kapwa ko Pilipino. Nakikinig ako para sa bayan ko. Maraming taon na ang ginugol ko sa sarili ko… panahon naman na may magawa ako sa bayan ko.


Ang Aking Kandidato

Malapit na po ang araw ng halalan.
Nawa’y naging mapanuri ka sa ‘yong pamantayan
sa pagpili ng ihahalal sa inyong pamayanan.
Halika, pag-aralan natin ang iyong listahan.

May kanya-kanya naman tayong pambato.
Gaano mo kaya kakilala ang sa iyo?
Hala, sige nga at ipagmalaki mo,
malugod po namang makikinig ako.

At sa pagbigkas ng salita sa iyong bibig
tinula mo ng buong tapang ang kanyang himig.
Kuhang-kuha mo rin pati ang kanyang tindig
habang nangangako ang kandidato mong ibig.

Salamat po sa iyong pagpapaunlak.
Batid ko na malakas ang kanyang hatak.
Kampanya nga niya ay tumatak
‘di ko maitanggi, maging sa aking utak.

Kandidato ko nama’y simple at tapat.
Bandera namin ay kulay ng watawat.
Bukod-tanging kandidato na may nilalapat
na positibong pagbabago sa ating lahat.

‘Di kasalanang maging mayaman o sikat
basta’t may takot sa Diyos, busilak na tapat.
At ‘di lamang yaong sa partido’y palipat-lipat
kandidato mo nga ba’y karapat-dapat?

Ang lider ng bayan ay ‘di kailangang perpekto.
Ngunit ngayon ang pagkakataong mas makapamili tayo.
Hindi sa impluwensya at ningning lang ng tao
kung hindi yaong may tagumpay nang naibigay sa bayan ko.    

Ang mga bagay na nais gawin ng iyong kandidato
matagal nang pinatunayan ng iboboto ko.
Bayang pinamunuang nasadlak ma’y muling niyang binuo.
Ganyan po ang ihahalal ko ngayong Mayo

Ngunit kung hanggang ngayo’y naniniwala ka
na ang pagbangon ng bayan ay nakasalalay sa iisa,
sana naman ay natuto ka na
na ang pagbabago ay magmumula dapat sa bawat isa.

Ang halalan sana ay maging simbolo
‘di lamang sa pagpalit ng tao sa ating gobyerno
kundi ang tuluyang paglinis sa kaibuturan ng puso
at dito lamang magmumula ang tunay na pagbabago.

Ngayo’y ihahayag ko na ang aking Pangulo.
Ang lihitimong lider na makagagabay sa tunay na galing ng mga Pilipino
tungo sa tagumpay natin ngayon, bukas, at sa darating pang milenyo.
Dahil kay Gordon, ang pagbabago.. sigurado!


Ako..Tayo.. Ngayon

Ang solusyon sa kahirapan ay hindi lamang ang gobyerno.
Truth is.. kung pagsama-samahin lang ang tag lines ng Kapamilya at Kapuso eto ang mabubuo — AKO ang simula..dahil, may magagawa TAYO. 

There is a strong need for all of us to put a balance on the “ME” and “WE”… Change needs to start from within…

Bawat isa sa atin ay may opinyon kung sino ang nararapat: dahil sikat, dahil maraming nagawa, dahil matalino, dahil pareho ang pinanggalingan, dahil may karanasan, o madalas dahil “feel” mo lang… maraming dahilan kung tutuusin… 

The election will be just days away… at nakakatuwang isipin na, kagaya ng Bagong Taon o “bertdey”, we view this as a new beginning..fresh start ika nga.

Sa aking opinyon… ang simula ay ‘di bukas o sa anumang hinaharap… ang simula ay walang iba kun’di NGAYON. 

At upang higit na magkaroon ng kahulugan ang tag lines ng patuloy na nag-uumpugang Media Networks ng bansa — AKO ang simula.. dahil, may magagawa TAYO… NGAYON.


Hello world!

I’m new in blogging.. yet, writing isn’t new to me… on an informal sense, to say the least.

There is a science in everything and as early as now, let me apologize for anything that may be off the strict/conventional way of writing.

Just as the blog suggests, every content originated on flash of thoughts..

Kindly spread the word……….